Sunday, February 17, 2008

sad poem.....(

Tadhanang Kay Pait.....(


Aking pamilya nooy'y laging masaya
May laan na oras sa isa't isa
Pagtutulunga'y hindi rin mawawala
Bawat isa'y may suportang nakahanda

Buhay nga naman ay sadyang mapaglaro
Sa isang iglap lang ina ko'y naglaho
Sa panahong iyo'y mundo ko'y gumuho
Pagbabago'y hindi matanggap ng puso

Sadyang kay bilis lumipas ng panahon
Ginugunita na lang masayang kahapon
Mga pangyayaring 'di inaasahan
Tuany ngang 'di ko mapaniwalaan

Ang aking ama'y muli pa'y nag-asawa
Hindi mawari kung ako'y matutuwa
Sa puso niya ina ba'y pinalitan na
Anong sakit nito sa twina

Mga pangyayaring sa aki'y naganap
Aking natanto lagay ko'y mas mahirap
Tadhana ko'y hindi ko lubos matanggap
Akin 'bang buhay ay tunay na masaklap

Akin lamang hiling sa'ting Panginoon
Dumating na ang araw ng kasiyahan
Matagal ko na itong dinadalangin
Minimithi na ito'y mapasa akin